Aking sapatos ay upod sa paglalakbay
Sinalo ng lumang swelas bili pa ng aking nanay
Katawa'y nabalutan ng alikabok sa paligid
Nilingon ang mundo, nawaý lahat may bagong gamit
Ang bulsa ko ay butas kasing laki ng kamao
Binaligtad na pabalat wala ni isang piso
Gustuhin mang maging magarbo, di pwede iho
Sa payak na estado kinailangang makuntento
Sinipat ang espasyo, mataý sakin pumako
Tila ako'y payaso panglalait inako
Tumawa, ngumisi, bumulong, at nanghusga
Sarili'y tinaas hanggang mabulag na pala
-ni Darren Seña
Ang istorya ni Pablo Pobre....
unang yugto
Ako Si Pablo ang probinsyanong pinagkaitan ng yaman ni Napoles. Mula pagkabata ko sana'y na akong magtrabaho para makabili ng skyflakes pambaon sa iskwelahang 5 bulubundukin ang layo mula sa kabihasnan. Kayod kabayo hanggang kayod dinosaur, lahat ginawa ko matapos lamang ang pagaaral...at upang makapunta sa Maynila at duon kumita at mamuhay gaya ng mga artistang pinapanuod ko sa tv.
"maluwag pa, maluwag pa bagong panganak"
Ang sigaw ng kunduktor sa terminal.
Nagtatakbo ako patungo sa bus na isang kagat na lang ng anay ay bibigay na. Nanginginig ang aking mga lamang loob sa kaba, habang humahakbang sa bawat baitang ng hagdanan ng bus iniisip ko kung ano ang mga dapat kong unahin puntahan sa Maynila... Pangalawang hakbang ko naisip ko ang itsura ng mga manilenyo. Wow di siguro sila kagaya ng mga tao sa aming bayan, hindi dugyot hindi amoy tinapa, siguro amoy mamahaling lapu lapu sila at katumbas na ng aking kalabaw ang presyo ng kanilang pananamit.. ikatlong hakbang, teka teka.... sabi ng kundoktor maluwag...bakit wala na akong maupuan, anak naman ng lapu lapu oh.
Nakatayo ako hanggang sa may mabait na manong na nagsabing kasya pa at pwede akong sumiksik...di na ako naginarte dahil masakit na binti ko sa pagsalo sa bawat preno ng bus na mukhang kariton na nilagyan ng malaking gulong.... "mabalos sa imo manoy" wika ko sa may busilak na puso na lalake... sa wakas maiuunat ko na din ang binti ko na banat sa pagtatrabaho at paglalakad sa pilapil kasama si berto, oo si berto ang aking kalabaw na makisig kagaya ko. namiss ko sya, naway patawarin niya ako dahil binenta ko sya kila kapitan pandagdag sa ipon ko papunta sa Maynila...pero bakit ganito..nahihilo ako...parang tama ng lambanog ang nararamdaman ko sa bawat kadyot ng bus...ito na, ssabog na....
"Ay Tangina mo ka" humiyaw ang manong sa magkagulat..
nagulat siya dahil bumulwak ang suka mula sa aking bibig...di ako sanay sa byahe, sanay ako maglakad... nakakahilo... "Patawad po, pasensya" paulit ulit na sinambit ng aking mga labi na may halong pangangatog sa takot...
nanlisik ang mata niya....naging pula, para siyang nagkaroon ng sungay na mas mahaba pa sa sungay ni Berto.......namilog ang kanyang kamao... anong gagawin niya, sasapakin niya ba ako o baka naman..
WAPAK!!!!!!!! *stars stars stars*
hinalikan ko ang matigas na kamao ni manong, nadoble ang hilo ko at nandilim ang aking paningin... babagsak ako alam ko pero hindi pwede...nilipad ang tiket ko habang palanding ako sa lupa...hindi pwedeeeeee ilalagay ko sa picture collage yung tiket na yun bilang remembrance sa unang lakbay ko sa maynila..
*SHUTDOWN*...........buffering.....50%....60%...87%
"Hoy gising nasa Maynila ka na akin na yung tiket mo"
ayos, si kundoktor halos iwasiwas ako upang akoy magising at sitahin..
Pero sandali lang...nasan ang tiket ko...ay putaragis nilipad nga pala kanina...yun na lang ang huli kong naalala bago ako maknock out ni manong....
"di ko po makita" ang aking sinambit, para akong sanggol na nagpapaawa sa kundoktor,
"Gago ka ba, wag mo ko gagaguhin probinsyano ka, Manilenyo ko di mo ko maiisahan, akin na tiket mo at kung wala kang tiket magbayad ka ulit"
ok ok kalma, pero di ko magawa, di lang ako nasusuka sa hilo, naiihi pa ako sa takot...kanina sungay lang ng kalabaw nakita ko.... ngayon sungay na ni lucifer na may kasamang malaking tinidor...
jusporsanto iligtas mo ako...sinambit ng aking utak
"MAGBAYAD KA, GINAWA MO NA NGANG SUKAHAN AT TULUGAN TONG BUS KO MALILIBRE KA PA, GUSTO MO ITAPON KITA SA DAMUHAN"
itapon sa damuhan?!!! Puta napanood ko yan sa teleserye, sinasalvage pala talaga sa Maynila ang mga taong may kasalanan sa batas.... pero di naman ako nagkasala sa batas..may tiket ako, blue and green pa nga ang kulay...
"opo opo magbabayad na po"
dinukot ko ang aking bulsa....nasan na ang aking pitakang gawa sa banig na may lamang munting kayamanan
mula sa mahabang panahong pagtatrabaho namin ni berto sa arawan.......at ang pera mula sa pagbebenta ko sa kaisa isa kong kaibigang si Berto... natataranta ako, parang yung pakiramdam ko nung una akong nagrecite sa matematika kaharap ang tiser kong kamukha ni odette khan...Nasaan ka na...pitaka.
*insert horror sound, yung sa friday the 13th*
wala sa bulsa
wala sa bag...teka ano to
ang bulsa ko nalaslas....tama ba
nadukutan ako???
"TANG INA KA NASAN NA BAYAD MO????"
..........itutuloy
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento